Ang guro sa Dinglayan, Kalinga ay sinampahan din ng reklamo para sa grave misconduct at isinailalim sa suspensiyon.
Sinabi ng DepEd na panahon na para tingnan nila ang kalagayan ng kanilang mga tauhan sa pagpapatuloy ng face-to-face classes.
“That was not the usual character of the teacher, kaya nga oo, kaya nga yung, nagsisisi na rin siya. Actually, humihingi rin siya ng kapatawaran sa mga magulang ng mga bata,” ani Cariño.
“Kahit may kasalanan ‘yug teacher naiintindihan din natin kung ano ‘yung, baka may pinagdadaanan,” she added.
Ayon sa DepEd, nakatanggap sila ng mga ulat ng pang-aabuso sa kanilang email address at hotline numbers. Sa mga ulat, ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ay ang mga corporal punishment.
“We acknowledge the email and then get their contact numbers and kami na mismo ang tumatawag sa kanila para alam nila na napansin yung email nila at alam nila na may ginagawa kami,” tugon ni DepEd Spokesperson Michael Poa.