Site icon Viva Pinas

Concert ni Toni Gonzaga “sinabotahe” ni Otin Gonzaga-Soriano

Ito ay si Otin Gonzaga-Soriano, ang gay impersonator ni Toni Gonzaga.

Inaakusahan ng “sabotage” si Otin dahil tinapatan at sinabayan ng kanyang “I Am Otin” free online concert ang I Am Toni, ang birthday concert ng TV host-actress sa Smart Araneta Coliseum na ginaganap din ngayong gabi.

Gumawa ng ingay sa Twitter Philippines ang pangalan ni Otin — binaligtad na pangalan ni Toni — dahil marami ang nanonood at naaliw sa kanyang concert sa kabila ng sintunadong boses niya.

Malinaw na “pananabotahe” ang ginawa ni Otin dahil kung ano ang mga inawit ni Toni sa ginastusan at matagal na pinaghandaang concert nito, kinanta rin niya sa kanyang walang kahirap-hirap na free online concert.

Hindi lamang “second-rate-trying-hard-copycat” ni Toni si Otin dahil may segment sa kanyang online show na nagpapakita sa impersonator ni Alex Gonzaga na pinapahiran ng icing cake ang pobreng waiter na spoof ng insidente na kinondena ng publiko.

Naniniwala ang detractors at bashers ni Toni na mas marami ang nanood sa free online concert ni Otin, na mahigit sa 25,000 ang viewers, kung ikukumpara sa mga nagpunta sa I Am Toni na ginanap sa Big Dome na may 16,500 hanggang 18,000 ang seating capacity.

At press time, number one trending sa Twitter Philippines ang #IAmOtin na may 14.1 tweets at pumapangalawa naman ang #PaalamToniGonzaga na may 7,052 tweets.

otin twitter trends© Provided by PEP.ph

Kasabay na nag-trend sa Twitter ang “Araneta” at “Sassa” na may kaugnay sa “tapatan” nina Otin at Toni.

Nahaluan ng pulitika ang birthday concert ni Toni dahil ang mga kritiko ni President Ferdinand Marcos Jr., na sinuportahan niya ang kandidatura sa eleksyon noong May 2022, ang pinagbibintangang pasimuno ng “#PaalamToniGonzaga” at ng balitang namigay ng libreng tickets kaya napuno ang Araneta Coliseum.

Pinabulaan ito ni Andrew E. na nag-post sa social media ng videos na ebidensiya umanong marami ang nanood ng I Am Toni. Ang rapper ang isa sa mga guest sa concert ni Toni.

Guest din sa concert ni Toni ang kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Exit mobile version