
Kasama rin sa Top 10 picks ng Missosology sina Susana Medina ng Spain, Arlette Rujel ng Peru, Thae Su Nyein ng Myanmar, Talita Hartmann ng Brazil, at iba pa. Samantala, iniranggo rin ng Sash Factor si Opiaza bilang ikatlong paborito para sa korona, habang si Gupta ang kanilang unang pinili.
Kasama sa Top 10 picks ng Sash Factor sina Thae Su Nyein ng Myanmar, Susana Medina ng Spain, Maria Felix ng Dominican Republic, Nova Liana ng Indonesia, Arlette Rujel ng Peru, Safietou Kabengele ng France, Tania Estrada ng Mexico, at Akisha Albert ng Curacao.
Si Opiaza ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International 2024 na gaganapin sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand, sa Biyernes, Okt. 25. Sa pagtatapos ng coronation night, ipapasa ng reigning titleholder na si Luciana Fuster ang kanyang korona sa susunod na magwawagi.
Malaki ang pressure para kay Opiaza, isang beterano sa pageant, habang inaasam niyang maiuwi ang kauna-unahang golden crown para sa bansa.